Isang nakakakilabot na horror movie ang hindi dapat palampasin sa digital channel na I Heart Movies ngayong linggo.Tampok dito ang pelikulang Sapi na mula sa award-winning director na si Brillante Mendoza.Pinagbidahan ito nina Kapuso Drama King Dennis Trillo, Meryll Soriano at Baron Geisler, kung saan gumaganap sila dito bilang media practitioners na sumusubaybay sa isang kuwento ng sapi.
Paano kung madala nila pauwi ang masamang elemento mula sa kanilang coverages?Abangan ang Sapi, April 1, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Maglakbay naman patungo sa kakaibang mundo kasama ang Ibong Adarna: The Pinoy Adventure.Isa itong panibagong adaptation na magbibigay ng mas Pinoy na twist sa 16th-century Filipino epic poem na "Ibong Adarna."Tampok dito si Kapuso actor Rocco Nacino kasama ang star-studded at award-winning cast na kinabibilangan nina Joel Torre, Angel Aquino, Leo Martinez, Ronnie Lazaro at marami pang iba.
Abangan ang Ibong Adarna: The Pinoy Adventure sa April 4, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers..














