Emosyonal si Mikay ng ToRo Family (o Micaela Marcelo sa tunay na buhay) nang opsiyal na ipaalam sa kaniya na magiging parte siya ng higanteng GMA Prime series na Lolong: Bayani ng Bayan.Sa latest vlog ng content creator na si Toni Fowler na na-upload nitong February 15, makikita na naluluha si Mikay kasama si Toni dahil noon lang daw nagsi-sink in sa kaniya na nabigyan siya ng ganitong opportunity.Hirit ni Toni, “Oh My God, artista ka na Miks.
[I'm] so proud of you. [laughs] Wala pa ngang taping.”Sabat ni Mikay, “Never ko 'tong inexpect Oh My God, naiiyak ako.
”Pinayuhan naman ni Mommy Oni si Miks: “[Bleeps] kayanin mo ah! Sinasabi ko sa 'yo.“Kayanin mo, matuto ka makisama. Oh My God, Mik-mik congrats ngayon pa lang.
Mag-manifest tayo, baka magulat na lang tayo ikaw na papalit kay Ruru Madrid.Sabay biro pa niya, “Ikaw na mismo 'yung bida, tutal mukha ka namang pang-action star.” Source: MOMMY TONI FOWLER (YT) Nang dumating na ang araw ng taping niya para sa Lolong, umamin si Mikay na grabe ang naramdaman niyang kaba.
Aniya, “Ito na! Umagang-umaga pero 'yung kaba ko walang paglagyan. Naalala ko nun na sinasamahan ko lang si Tunyang (Toni Fowler) ko sa mga taping niya.“Pero ngayon, ako na 'yung magte-taping.
Sa totoo lang gusto ko gawing PA si Tunyang ko e. Kasi, dati ako 'yung nag-assist sa kaniya.”Alamin ang mga nangyari nang makita ni Mikay si Ruru Madrid sa set ng Lolong sa video below.
NARITO ANG MGA EKSENANG DAPAT ABANGAN SA 'LOLONG: BAYANI NG BAYAN': .














