featured-image

Hindi malilimutan ng fans at netizens ang pagsali ng Phenomenal Content Queen na si Ivana Alawi bilang house guest sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.Dahil sa kanyang pagiging totoo at natural, mabilis siyang minahal ng kanyang fellow housemates at mga sumubaybay sa programa.Sa panayam niya sa Kapuso Mo, Jessica Soho, ibinahagi ni Ivana na ang pagpasok sa Bahay ni Kuya ay isa sa kanyang pinaka-unforgettable experiences.

Isa sa mga paboritong moments ng vlogger-actress ay ang kanyang viral shower experience sa loob ng bahay."Ma'am Jessica, hindi ko po kaya ang ligo. Kasi alam ko po iyon, e.



Nasabi na five minutes lang ang ligo sa PBB house. Huh, five minutes? Ano ko pa lang iyon, pagsasabon ko pa lang iyon. Ginawa ko, naligo po ako sa garden.

Binuzzer po ako nang binuzzer, pero nakapag-shampoo ako [at] nakuskos ko siya, 'tapos kinuskos ko 'yung katawan ko. Kaya pagpasok sa loob, daming buzzer," natatawang kuwento niya.Aminado rin si Ivana na noong una, iniisip niyang baka ma-eliminate agad siya dahil sa dami ng kanyang violations.

"Makulit po kasi talaga ako. 'Tapos bawal magmura, e, pala mura ako, Ma'am Jessica," dagdag niya.Naging challenge din daw para kay Ivana ay ang pagiging conscious sa CCTV cameras na nakabantay sa bawat galaw nila sa loob.

Pero habang tumatagal, naging mas kampante at nag-enjoy na lang siya kasama ang housemates."Noong unang araw conscious ako. Pero wala na akong pakialam parang na-enjoy ko na siya.

Bahala kayo sa mga CCTV dyan. Basta ako mag.

Back to Entertainment Page