Naging laman ng balita noong nakaraang linggo ang dating child star at teen star na si John Wayne Sace matapos siyang arestuhin dahil sa diumano'y pagpatay niya sa isang kaibigan. Noong 2016, nabaril si John Wayne nang hindi nakikilalang saralin. Ayon sa PNP, kabilang siya sa drug watch list kasama ang kanyang kaibigang napatay sa pamamaril.

Unang napanood si John Wayne sa 'Tabing Ilong' kung saan gumanap siya bilang batang James, ang karakter na ginampanan ni Patrick Garcia. Napanood rin siya sa pelikulang 'Dekada '70' at 'Home Along Da Riles.' Sa edad na 12, gumawa ng kasaysayan si Jiro Manio bilang pinakabatang artista na nanalo ng Best Actor sa prestiyosong Gawad Urian awards para sa pelikulang 'Magnifico.

' Taong 2011, naibalita na pumasok sa isang rehabilitation facility si Jiro para sa drug addiction, at taong 2015 naman pumutok ang balita na pagalagala sa Ninoy Aquino Termina 3 si Jiro matapos nitong maglayas sa bahay nila sa Rizal. Noong 2020, inaresto si Jiro matapos niya diumanong saksakin ang isang lalaki sa Marikina City. Nakilala ang pangalang CJ Ramos noong 1990s matapos niyang maging bahagi sa iba't ibang palabas sa telebisyon at pelikula katulad ng 'Tanging Yaman,' 'Okay Ka, Fairy Ko!' at 'Biyudo Si Daddy, Biyuda Si Mommy.

' Taong 2018 nang mahuli si CJ sa isang drug buy-bust operation sa Quezon City. Kinalaunan ay nakalaya rin siya at bumalik sa pag-arte sa 'Ang Probinsyano.' Taong 1994 nang unang mapanood sa telebisyon ang aktor na si Baron Geisler nang mapab.