Hindi na nagpaligoy-ligoy pa ang Sparkle artist at housemate na si Dustin Yu () sa paglilinaw ng mga issue sa pagitan nila ng kaniyang kapwa housemate na si AZ Martinez.Sa episode ng Pinoy Big Brother Collab Celebrity Edition noong Linggo, March 30, diniretso ni Dustin si AZ tungkol sa tensyon nilang unti-unting nabubuo sa Bahay ni Kuya na nagmula sa mga pang-aasar hanggang sa kanilang “crush issue.”Noong mga nakaraang linggo, inamin ni AZ na nagkaroon ito ng “crush” kay Dustin at naikuwento niya rin sa mga housemates na napanaginipan niya ang aktor.

Simula noong ikinuwento ito ni AZ, umiwas na si Dustin dahil kaibigan niya ang boyfriend ni AZ na si Larkin Castor."Ako, umiiwas lang ako sa asar-asar kasi hindi ko naman ina-assume na gets mo? Hindi naman ako ganoon. Hindi naman ako sa nag-assume.

Iwas lang ako sa kanila Michael, sila Josh, siyempre hindi mo maiwasan mang-asar. So ako, iiwas lang kasi syempre, kilala ko si Larkin," paliwanag ni Dustin.Sinabi ng aktor na iniisip niya rin ang mararamdaman ng kaniyang kaibigan sa labas dahil napapanood niya ang reality show.

Sagot ni AZ, "Kaya I asked you kung okay ka ba sa asar. Naalala mo 'yung andito tayo? Is it because 'yung pang-aasar, ganon?""Hindi naman. Ako lang talaga kapag inaasar ako, matik na tumatahimik ako kasi nahihiya ako.

'Yun lang talaga ang personality ko," sabi ni Dustin.Ipinaliwanag naman ni AZ na nakikisabay lang ito sa mga pang-aasar ng mga housemates. Ngunit, noong naramdaman niya na hindi naging kompo.