Inabangan ng viewers ang unang eviction night sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition ngayong Sabado, March 29.Sa huli, ang teamup nina Ashley Ortega at AC Bonifacio ang natanggal dahil sila ang nakakuha ng pinakamababang boto na 17.25%, samantalang safe naman sila Will Ashley at River Joseph na may 36.

87% of votes.Nag-trending din sa social media site na X ang eviction night sa Pinoy Big Brother at naging top-trending topic pa ito. Sila AC at Ashley ang evictees tonight.

#PBBCollab1stDuoEviction pic.twitter.com/w9IVTLSjOy-- Pinoy Big Brother (@PBBabscbn) March 29, 2025 Bago lumabas ng bahay sina Ashley at AC, may iniwan namang mensahe si Kuya sa dalawa.

Paalala niya sa kaniyang housemates, “Sa paglabas n'yo ng aking bahay, nawa'y bitbitin n'yo ang mga aral at karanasan upang magpatuloy sa totoong hamon ng buhay.“Even through the deepest hurt, may you find strength in forgiveness to heal and move forward.”RELATED CONTENT: Meet the Kapuso, Kapamilya housemates of 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition'.