featured-image

Isa sa pinakaabangan sa action-adventure series na Lolong: Bayani ng Bayan ang pagbabalik ng karakter ni Jean Garcia na si Dona Banson.Si Dona ay asawa ng isang makapangyarihang pulitiko. Nakulong siya matapos isiwalat ni Lolong (Ruru Madrid) ang korapsyon at katiwalian ng kanyang pamilya, habang pinaniniwalaan namang patay na ang kanyang asawa.

Makakalaya mula piitan si Dona at handa na siyang maghiganti kay Lolong. Ayon kay Jean, nadoble ang intensity ng pagkakontrabida ng kanyang karakter dahil sa lahat ng pinagdaanan nito habang nakakulong."Dati kasi parang pinagagawa lang ni Dona sa mga tauhan niya lahat.



Ngayon, dahil marami siyang natututnan sa kulungan, kaya niyang gawin nang hindi niya kailangang ipagawa sa ibang tao. Ganoon na siya nakakatakot," bahagi ng aktres.Samantala, ibinunyag ng bidang si primetime action hero Ruru Madrid na maraming malaking pagbabago ang maaasahan sa susunod pang mga episodes ng serye.

"Mas nae-excite ako sa mga magiging bagong istorya ng Lolong dahil ibang-iba. Ibang-ibang aksiyon at ibang-ibang drama ang inyong mapapanood ngayon," lahad ni Ruru.Patuloy na tumutok sa dambuhalang adventure serye na Lolong: Bayani ng Bayan, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.

m. sa GMA Prime.May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.

m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.Panoorin ang trailer para sa ikawalong linggo ng Lolong: Bayani ng Bayan:.

Back to Entertainment Page